Paano i-manage ang pang-account na PIN mo

Kung nakapag-set up ka na ng PIN sa account mo, puwede kang mag-PIN lock ng mga profile nang paisa-isa, o puwede mong paghigpitan ang panonood sa buong account gamit ang isang PIN.

Para mag-lock ng mga indibidwal na profile sa account mo, siguraduhing mayroon kang pinakabagong version ng mga kontrol ng magulang. Sa pinakabagong version, mas may kontrol ka para i-customize ang panonood sa bawat profile sa account mo, at i-PIN lock ang ilang profile.

Paalala:Kapag nag-update ka para i-customize ang mga kontrol ng magulang para sa bawat profile, hindi ka na makakagamit ng iisang PIN para sa buong account. Maaalis ang kasalukuyan mong PIN sa account mo.

Kung gumagamit ka ng iisang PIN ng mga kontrol ng magulang sa account mo para paghigpitan ang panonood ng ilang partikular na maturity level o title, puwede ka na ngayong mag-apply at mag-customize ng mga kontrol para sa bawat profile. Pumunta sa Mga Kontrol ng Magulang sa Account page mo para alamin kung paano.

Kung gusto mong patuloy na gumamit ng isang PIN, huwag mag-update sa pinakabagong version ng mga kontrol ng magulang.

  • Ipapalagay sa iyo ang PIN na ito alinsunod sa kasalukuyan mong maturity level sa kontrol ng magulang.

  • Maa-apply sa account mo ang kasalukuyan mong maturity level at mga paghihigpit sa title.

    Note:Hindi mo mae-edit ang PIN mo o ang mga pinaghihigpitang maturity level nang wala ang mga pinakabagong pang-profile na kontrol.

    Kung papalitan mo ang settings mo para i-customize ang mga kontrol sa bawat profile, ang kasalukuyan mong PIN ay aalisin sa account mo.

Note:Baka kailangang i-refresh ang device mo para makuha ang updated settings. Para mag-refresh:
– Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.
– O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.

Mga Kaugnay na Article