Paano magdagdag o mag-alis ng PIN ng profile

Para paghigpitan ang access sa isang partikular na profile sa account mo, puwede mo itong protektahan gamit ang Profile Lock PIN. Kung nakapag-access ka na ng profile at nagpalagay sa iyo ng PIN bago mag-play ng TV show o pelikula, magbasa pa tungkol sa mga account-level PIN.

Para magdagdag ng PIN sa isang partikular na profile:

Tandaan:Hindi puwedeng i-update ang ilang device para magkaroon ng mga bagong feature tulad ng mga Profile Lock PIN. May 1 profile ang mga extra member account at hindi puwedeng magkaroon ng profile lock.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Profile Lock para mag-add o mag-edit ng PIN.

  7. I-tap ang Gumawa ng Profile Lock at ilagay ang password ng Netflix account mo para gumawa ng mga pagbabago.

  8. Maglagay ng 4 na numero para gawin ang Profile Lock PIN mo. Maliban kung gumagamit ka ng hindi supported na device, ilalagay mo ang PIN na ito para buksan ang profile o mag-play ng mga title na na-download mula rito.

    • Para alisin ang paghingi ng PIN, i-tap ang I-delete ang Profile Lock.

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Profile Lock.

  4. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  5. Lagyan ng check ang kahon para Humingi ng PIN para i-access ang piniling profile.

    • Para alisin ang paghingi ng PIN, i-uncheck ang kahon.

  6. Maglagay ng 4 na numero para gawin ang Profile Lock PIN mo. Maliban kung gumagamit ka ng hindi supported na device, ilalagay mo ang PIN na ito para buksan ang profile o mag-play ng mga title na na-download mula rito.

    • Para humingi ng PIN sa tuwing may idaragdag na bagong profile sa account mo, lagyan ng check ang kahon para Humingi ng PIN para magdagdag ng mga bagong profile.

      Tandaan:Puwede lang piliin ang Humingi ng PIN para magdagdag ng mga bagong profile kapag ine-edit ang settings ng Profile Lock para sa pangunahing profile sa account.

  7. Piliin ang I-save.

Baka kailangang i-refresh ang device mo para makuha ang updated settings. Para mag-refresh:

  • Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.

  • O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.

Paano mag-recover ng Profile Lock PIN

Kung nakalimutan mo ang Profile Lock PIN, i-tap o piliin ang Nakalimutan mo ba ang PIN?. Kung sa TV ka nanonood, ilagay sa web browser ang ipinapakitang web address.

Para tingnan o palitan ang Profile Lock PIN na ginawa para sa profile, ilagay ang password ng Netflix account mo.

Mga Kaugnay na Article