Paano humingi ng PIN para makapag-add ng bagong profile

Puwede mong kailanganin na maglagay ng PIN para makapagdagdag ng mga bagong profile sa Netflix account mo. Una, sundin ang steps para magdagdag ng Profile Lock PIN sa main profile ng Netflix account mo. Available lang ang setting na ito sa main profile ng Netflix account mo.

Paalala:
Sa Netflix account mo, ang main profile ang nasa pinakakaliwa o kaliwang bahagi sa taas kapag nagtatanong ang Netflix ng "Sinong nanonood?"

Pagkatapos ma-set up ng Profile Lock PIN sa main profile mo, sundin ang steps sa ibaba para gawin ang kinakailangang PIN para magdagdag ng mga bagong profile:

  1. Gamit ang web browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Sa ilalim ng Profile at Mga Kontrol ng Magulang, i-click ang profile ng main account (ang nasa itaas).

  3. Sa tabi ng Profile Lock, i-click ang Palitan.

  4. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  5. Lagyan ng check ang kahon para Kailangan ng PIN para magdagdag ng mga bagong profile, at i-click ang I-save.

Baka kailangang i-refresh ang device mo para ma-update ang settings. Para mag-refresh:

  • Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.

  • O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.

Hindi gumagana sa ilang mas lumang device ang mga PIN ng Profile Lock. Ito ang dahilan.

Para ganap na masulit ang Mga Kontrol ng Magulang sa Netflix, siguraduhing mayroon ka ng mga pinakabagong kontrol ng magulang.

Mga Kaugnay na Article