Paano mag-set ng mga maturity rating ng profile o mag-block ng mga title

Kapag nag-set ka ng maturity rating para sa isang profile, mga TV show, pelikula, at game na may ganoong rating pababa lang ang makikita ng profile na iyon. Puwede ka ring mag-block ng mga partikular na TV show o pelikula sa mga indibidwal na profile.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Mga Restriction sa Panonood.

  7. I-tap ang Maturity Rating.

  8. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  9. I-set ang maturity rating level na gusto mo.

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Mga restriction sa panonood.

  4. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  5. I-set ang maturity rating level na gusto mo.

  6. Piliin ang I-save.

Paalala:Ang mga rating sa game ay katumbas ng settings ng maturity sa TV show o pelikula na na-set para sa profile. Alamin pa sa Mga maturity rating para sa mga game sa Netflix.

Para sa mga profile na may naka-set na maturity level, magpapakita lang ng mga title na angkop sa piniling level ng maturity rating.

Kung nagkakaproblema ka sa pagbabago sa mga maturity level sa Pambatang profile, tingnan ang Hindi ko mabago ang mga limitasyon ng maturity rating sa Netflix Kids experience.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Mga Restriction sa Panonood.

  7. I-tap ang Mag-block ng mga Title.

  8. I-type ang pangalan ng TV show o pelikula at i-tap ito para i-add ito sa mga naka-block na title mo.

    • Para mag-alis ng title sa list ng mga naka-block mo, i-tap ang I-edit at pagkatapos ay i-tap ang X sa tabi ng pangalan ng title.

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Mga Restriction sa Panonood.

  4. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  5. Sa Mga Restriction sa Title, i-type ang pangalan ng TV show o pelikula at piliin ang title.

    • Para alisin ang title sa list mo ng mga naka-block, piliin ang X sa tabi ng pangalan ng title.

  6. Piliin ang I-save.

Aalisin sa profile na iyon ang mga TV show at pelikula na nakalista sa ilalim ng Mag-block ng mga Title at Mga Restriction sa Title.

Paalala:Baka kailanganin mong i-refresh ang device mo para makuha ang na-update na settings. Para mag-refresh:
– Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.
– O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.

Mga Kaugnay na Article