Hindi ko mabago ang mga limit ng maturity rating sa Netflix Kids experience

Kung hindi mo mapalitan ang level ng maturity rating sa isang profile sa Netflix Kids experience, malamang na automatic na ginawa ang profile noong ginawa mo ang Netflix account mo. Para sa mga profile na ito, hindi mo maililipat sa level na mas mataas sa pinapayagang level para sa Netflix Kids ang level ng maturity rating. Kung susubukan mong lumipat sa level na mas mataas sa pinapayagang level na iyon, matatanggap mo ang error message na ito:

Dahil isa itong default na Netflix Kids profile, may restriction para sa content na lampas sa partikular na maturity level.

Kung gusto mong mag-customize ng profile na may bagong level ng maturity rating, i-delete ang Netflix Kids profile na may isyu at gumawa ng bagong profile.

Mga Kaugnay na Article