Sabi ng Netflix 'Nagkaproblema sa pag-sign in.'

Kung makakakuha ka ng error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing:

Nagkaproblema sa pag-sign in.
Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang data na naka-store sa device mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.

  3. Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.

  4. Mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.

    • Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.

Kung may natanggap kang bagong email mula sa Netflix na nagsasabing ni-reset namin ang password mo, sundin ang steps na ito para ma-access mo ulit ang account mo.

Kung walang kang natanggap na bagong email mula sa Netflix, ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap ang Settings.

  2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Netflix.

  3. I-slide ang switch na I-reset sa naka-on para i-reset ang app.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article