Nakatanggap ako ng email na 'kailangang i-reset ang password'
Kung nakatanggap ka ng email mula sa Netflix na kailangang i-reset ang password, gawin ang sumusunod para palitan ito at makapanood ulit ng Netflix.
I-click o i-tap ang button na mag-set ng bagong password sa email. O para sa extra security, puwede kang pumunta na lang sa Netflix.com, piliin ang "mag-sign in," at saka piliin ang “Kailangan ng tulong?”
Maglagay ng bagong password na hindi mo pa nagagamit. Hindi mo magagamit ang luma mong password at makakakuha ka ng error message kung susubukan mo itong i-update gamit ang luma mong password.
Dapat, ang bago mong password ay:Sa Netflix lang ginagamit at hindi ginagamit sa iba pang website o app
May kahit man lang 8 characters
Kumbinasyon ng mga titik, numero, at simbolo na gumagamit ng malalaki at maliliit na titik
Hindi madaling hulaan - tulad ng “password,” “12345,” o personal information mo (pangalan, kaarawan, address)
Papadaliin ng password manager na mag-track ng mga unique na password.
Dapat mong regular na palitan ang password mo. I-update ito mula sa Account page mo, o puwede mong padalhan ang sarili mo ng password reset email o text message.
Kung nakikita mo ang message na Madaling hulaan o masyadong karaniwan ang password na ito kapag nagre-reset o nagpapalit ng password mo, nangangahulugan ito na ang password na pinili mo ay nasa list ng mga compromised o karaniwang ginagamit na password na hindi namin pinapayagan para sa seguridad. Kailangan mong pumili ng ibang password.Piliin ang Mag-sign out sa lahat ng device habang nagre-reset ka.
Paalala:Puwedeng abutin nang hanggang 1 oras bago maalis ang lahat ng device na naka-sign in sa account mo. Kakailanganin mong mag-sign in ulit gamit ang bago mong password para sa kahit anong device na gusto mong gamitin.
Kung ginamit mo ang luma mong password sa Netflix para sa ibang website o app, inirerekomenda naming gumawa ka rin ng mga unique na password para sa mga site na iyon.
Bakit binago ng Netflix ang password ko?
Paminsan-minsan, nire-reset namin ang mga password dahil sa:
mga paglabag sa data sa ibang kumpanya
phishing
kahina-hinalang gawi sa account
mga malware attack
Para sa mga karagdagang paraan para mapanatiling ligtas ang account mo, kasama ang instructions para sa pag-uulat ng kahina-hinalang email, pumunta sa Paano panatilihing secure ang account mo.