Nagpapa-sign up ang Netflix kapag sinusubukang mag-sign in
Kung may nakikita kang steps para gumawa ng bagong account kapag sinusubukan mong mag-sign in sa Netflix, sundin ang steps na ito para bumalik sa page ng Mag-sign In.
Kung hindi umubra ang steps na ito, baka ibang email address ang gamit ng account mo o hindi na ito active. I-check kung kakasingil lang sa iyo ng Netflix.
Kung mayroon kang:
May singil mula Netflix sa nakaraang buwan: Active pa ang account mo, pero baka ibang email address ang ginamit sa pag-set up nito. Subukang mag-sign in gamit ang ibang email address.
Paalala:Kung hindi mo matandaan ang email o phone number ng Netflix account mo, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot na ito.
Walang singil mula sa Netflix sa nakaraang buwan: Baka hindi na active ang account mo. Sundin ang steps para i-restart ang account mo.
Paalala:Kung may active kang gift card o promo sa account mo, baka hindi mo makita ang mga bagong singil mula sa Netflix.