Nagpapa-sign in ang Netflix sa tuwing binubuksan ito

Hindi mananatiling naka-sign habambuhay sa Netflix ang device mo. Kaya, paminsan-minsan, baka hilingin sa iyong mag-sign in sa account mo. Pero kung hinihiling sa iyong mag-sign in bawat beses na buksan mo ang Netflix, ibig sabihing may problema o setting sa device mo na pumipigil sa Netflix sa manatiling naka-sign in.

  • Kung hindi ka talaga makapag-sign in, sundin ang steps na ito.

  • Kung pinapa-confirm ng Netflix na bahagi ang device mo ng Tirahan para sa Netflix mobawat beses na buksan mo ang app, sundin ang steps na ito.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

  1. Pindutin ang Home button sa remote ng Amazon Fire TV mo.

  2. Sa kanang bahagi ng screen, piliin ang Settings .

  3. Piliin ang My Fire TV.

  4. Piliin ang About.

  5. Piliin ang Check for Updates .

  6. Subukan ulit ang Netflix.

    Tandaan: Baka kailanganin mong i-install ang ilang update para makuha ang pinakabagong firmware version.

I-uninstall at i-reinstall ang Netflix app

I-uninstall ang Netflix app:

  1. Mag-umpisa sa Xbox Dashboard.

  2. Piliin ang My Games & Apps.

    Paalala:Baka kailangan mong mag-scroll pababa para makita mo ang option na ito.

  3. Piliin ang Apps mula sa options sa kaliwa.

  4. I-highlight ang Netflix app at pindutin ang Menu button sa controller.

  5. Piliin ang Manage App.

  6. Piliin ang Uninstall All.

  7. Piliin ulit ang Uninstall All para i-confirm.

I-reinstall ang Netflix app:

  1. Mag-umpisa sa Home screen sa Xbox One mo.

  2. Mag-scroll pakanan para ma-access ang Store.

  3. Sa seksyong Apps, piliin ang Netflix.

    Paalala:Kung hindi mo makita ang Netflix, piliin ang Search all apps para i-search ang Netflix.

  4. Piliin ang Install.

  5. Kapag tapos nang i-download ang app, piliin ang Launch para mag-sign in at subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa Home screen ng PlayStation, piliin ang Settings.

  2. Piliin ang System Update, at i-confirm ang pinili.

  3. Piliin ang Update via Internet, at i-confirm ang pinili.

  4. Kung may nakitang bagong version ng firmware, i-confirm ang pinili at i-download ang bagong software.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Kung gumagamit ka ng PlayStation 3:

Kung ang petsa at oras sa device mo ay ibang-iba sa kasalukuyang petsa at oras, magkakaproblema ka sa pag-play ng TV show o pelikula mo.

Para sa mga Japanese PlayStation, X ang gamitin imbes na O para i-cancel ang pagpili kapag binabanggit ang O sa steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Mula sa main menu, pumunta sa Settings.

    • Kung wala ka pa sa main menu, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller, piliin ang Quit, tapos, piliin ang Yes para bumalik sa home screen.

  2. Piliin ang Date and Time Settings.

  3. Piliin ang Date and Time.

  4. Piliin ang Set via Internet.

  5. Pindutin ang O button para bumalik sa screen ng Date and Time.

  6. Piliin ang Set Automatically.

  7. Piliin ang On.

  8. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa home screen ng device, piliin ang Settings app.

  2. Piliin ang iTunes Store.

  3. Piliin ang Apple IDs.

  4. Piliin ang Mag-sign out sa Apple ID.

  5. Kapag nakapag-sign out na, mag-exit sa Home screen at buksan ulit ang Settings.

  6. Piliin ang iTunes Store.

  7. Piliin ang Mag-sign In.

  8. Ilagay ang Apple ID at password mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at piliin ang Settings.

  2. Piliin ang System > Software Updates > Update Software.

  3. Kung available, piliin ang I-download at I-install.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Sundin ang steps para sa web browser mo sa ibaba.

Chrome

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button.

  2. I-click ang Settings .

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy & security .

  4. I-click ang Site settings.

  5. Sa section na Content, i-click ang Additional content settings.

  6. I-click ang On-device site data.

  7. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save data on your device.

  8. Subukan ulit ang Netflix.

Firefox

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy & Security.

  4. Siguraduhing naka-off ang Delete cookies and site data when Firefox is closed.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Edge

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy, search, and services.

  4. I-click ang Cookies.

  5. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save and read cookie data.

    Tandaan: Kung gusto mong iwang naka-off ang setting na ito, kailangan mong idagdag ang netflix.com sa Allowed to save cookies list mo.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Opera

  1. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Opera button.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy & Security.

  4. I-click ang Site Settings.

  5. Sa section na Content, i-click ang Additional content settings.

  6. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save data on your device.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.

Mac Computer

Sundin ang steps para sa web browser mo sa ibaba.

Safari

  1. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Safari.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa bubukas na window, i-click ang tab na General.

  4. Baguhin ang setting na Remove history items sa option na gusto mo.

    Tandaan: Babaguhin ng setting na ito kung gaano mo kadalas kailangan mag-sign in sa Netflix.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Chrome

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button.

  2. I-click ang Settings .

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy & security .

  4. I-click ang Site settings.

  5. Sa section na Content, i-click ang Additional content settings.

  6. I-click ang On-device site data.

  7. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save data on your device.

  8. Subukan ulit ang Netflix.

Firefox

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy & Security.

  4. Siguraduhing naka-off ang Delete cookies and site data when Firefox is closed.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Edge

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu button.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy, search, and services.

  4. I-click ang Cookies.

  5. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save and read cookie data.

    Tandaan: Kung gusto mong iwang naka-off ang setting na ito, kailangan mong idagdag ang netflix.com sa Allowed to save cookies list mo.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Opera

  1. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Opera button.

  2. I-click ang Settings.

  3. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Privacy & Security.

  4. I-click ang Site Settings.

  5. Sa section na Content, i-click ang Additional content settings.

  6. Siguraduhing naka-on ang Allow sites to save data on your device.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Sundin ang steps ng Apple para i-install ang mga update at upgrade para sa macOS, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng Chrome, i-click ang Menu, pagkatapos ay i-click ang Settings.

  2. Sa kaliwa, i-click ang Privacy and security.

  3. I-click ang Third-party cookies.

  4. Siguraduhing naka-on ang setting para sa Allow third-party cookies.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-connect sa internet ang computer mo gamit ang Wi-Fi o Ethernet. Hindi puwedeng mag-install ng mga update habang naka-connect sa cellular network.

  2. Mag-click sa status area (sa kanang sulok sa ibaba, kung nasaan ang account picture mo).

  3. Piliin ang Settings.

  4. Piliin ang About Chrome OS sa menu sa kaliwa ng page.

  5. Piliin ang Check for and apply updates.

  6. Ii-install ng computer mo ang anumang kinakailangang update. Kapag na-install na ang mga update, piliin ang Restart to update.

  7. Pagka-restart ng computer mo, subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Puwede mong i-update ang OS (operating system) ng Android device mo sa Settings app. Puntahan ang support site ng Google para makuha ang eksaktong steps o mag-troubleshoot ng isyu.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Puwede mong i-update ang iPhone o iPad mo sa pinakabagong available na version ng iOS o iPadOS sa Settings app. Pumunta sa support site ng Apple para makuha ang eksaktong steps o para mag-troubleshoot ng isyu.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article