Nakalimutan ang email o phone number para sa Netflix

Kung nakalimutan mo ang email o phone number na ginagamit mo sa pag-log in sa Netflix, kakailanganin mong i-update ang impormasyon mo. Para i-access ang account mo, sundin ang instructions para sa paraan ng pagbabayad na ginagamit mo para magbayad ng Netflix.

Credit o debit card

  1. Pumunta sa netflix.com/LoginHelp.

  2. Piliin ang Hindi ko maalala ang email o phone ko.

  3. Ilagay ang pangalan, apelyido, at credit o debit card na ginagamit mo para magbayad ng Netflix.

  4. Piliin ang Hanapin ang account.

Magpapadala ang Netflix ng password reset email sa email address na naka-list sa account mo. Kung hindi pamilyar sa iyo o wala ka nang access sa email address na mayroon kami para sa account mo, makipag-ugnayan sa customer service ng Netflix.

Third party

Kung nagbabayad ka ng Netflix sa pamamagitan ng third party, o kasama sa package ang Netflix, i-search sa Help Center namin ang pangalan ng service provider para mahanap ang nauugnay na article tungkol sa billing. Pagkatapos ay sumangguni sa seksyong "Nagkakaproblema ako sa pag-sign in sa Netflix."

Iba pang paraan ng pagbabayad

Kung gumagamit ka ng Netflix gift card o iba pang paraan ng pagbabayad, makipag-ugnayan sa customer service ng Netflix para i-recover ang impormasyon mo sa pag-sign in.

Mga Kaugnay na Article