Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit mamaya.'

Puwedeng makuha mo ang error message na ito habang ginagamit ang Netflix.

Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang lumalabas ang error na ito at kadalasang naaayos ito pagkatapos ng ilang sandali. Kung magpapatuloy ang problema, madalas na maaayos ng steps para sa pag-troubleshoot na ito ang problema.

Ano ang sinusubukan mong gawin nang magkaroon ng error?

Kung nakuha mo ang error na ito habang sinusubukang mag-sign in sa Netflix, baka may problema sa device, network connection, o Netflix password.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps na ito nang magkakasunod. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo.

    Paalala:Kung hindi ka sigurado kung naka-off na nang tuluyan ang device mo, o kung wala kang makitang power button, bunutin sa saksakan ang power cable.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 30 segundo ang device mo.

  3. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.

  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Baka kailangan mong i-reset ang password mo. Pumunta sa Paano magpalit o mag-reset ng password mo para gawin ito.

Kung gumagamit ka ng Apple TV:

I-delete ang Netflix

  1. Sa home screen ng Apple TV, i-highlight ang Netflix app.

  2. Pindutin nang matagal ang gitna ng touch surface o clickpad ng remote mo hanggang sa mag-wiggle ang Netflix app.

  3. Pindutin ang Play/Pause button para i-delete ang app.

  4. Piliin ang Delete para i-confirm.

I-reinstall ang Netflix

  1. Sa home screen ng Apple TV, buksan ang App Store.

  2. I-search ang "Netflix" para hanapin ang app, at piliin ang Install.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung sinubukan mo na ang steps sa itaas at nakukuha mo pa rin ang error na ito, nangangahulugan itong may pansamantalang problema sa request mo sa ngayon. Maghintay nang kahit 24 na oras, at subukan ulit.

Kung nakuha mo ang error na ito habang sinusubukang magbayad para sa Netflix, baka may problema pa rin sa paraan ng pagbabayad, web browser, o bangko mo.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps na ito nang magkakasunod. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Posibleng lumabas ang error na ito kung may problema sa paraan ng pagbabayad mo. Baka kailangan mong makipag-ugnayan sa bangko o financial institution mo para sa tulong sa steps na ito

Bago subukan ulit, tingnan kung may ganitong mga karaniwang problema

  • Sa screen mo, siguraduhing inilagay nang tama ang impormasyon mo sa pagbabayad.

  • Siguraduhing valid at up-to-date ang paraan ng pagbabayad mo.

  • Siguraduhing may sapat na pondo ang paraan ng pagbabayad mo.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.

  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Subukan ulit gamit ang browser sa mobile phone o tablet mo, o sumubok ng ibang browser, tulad ng Google Chrome o Mozilla Firefox.

Kung nasubukan mo na ang steps sa itaas at nakukuha mo pa rin ang error, matutulungan ka namin.

Makipag-ugnayan sa amin para makipag-chat o makipag-usap sa team namin.

Kung nakuha mo ang error na ito habang sinusubukang i-reset ang Netflix password mo, baka may problema sa browser o Netflix account mo.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps na ito nang magkakasunod. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.

  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Subukan ulit gamit ang browser sa mobile phone o tablet mo, o sumubok ng ibang browser, tulad ng Google Chrome o Mozilla Firefox.

Kung sinubukan mo na ang steps sa itaas at nakukuha mo pa rin ang error na ito, nangangahulugan itong may pansamantalang problema sa request mo sa ngayon. Maghintay nang kahit 24 na oras, at subukan ulit.

Kung nakuha mo ang error na ito habang sinusubukang i-update ang impormasyon sa Netflix account mo, baka may problema sa browser o network connection mo.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps na ito nang magkakasunod. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.

  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Subukan ulit gamit ang browser sa mobile phone o tablet mo, o sumubok ng ibang browser, tulad ng Google Chrome o Mozilla Firefox.

Kung sinubukan mo na ang steps sa itaas at nakukuha mo pa rin ang error na ito, nangangahulugan itong may pansamantalang problema sa request mo sa ngayon. Maghintay nang kahit 24 na oras, at subukan ulit.

Mga Kaugnay na Article