Paano mag-rate ng mga TV show at pelikula

Para mabigyan ka ng mas magagandang suggestion sa mga TV show at pelikula na baka magustuhan mo, puwede mong i-rate ang pinanood mo nang Gusto ko ito, Gustong-gusto ko ito!, o Hindi para sa akin.


Bukod sa mga TV show at pelikulang na-rate mo, magkakaroon ang Netflix ng mas malinaw na ideya kung ano ang gusto mong panoorin sa pamamagitan ng pagtingin sa:

  • Mga pinapanood mong genre

  • History ng panonood mo

  • Mga rating ng mga member ng Netflix na kapareho ng panlasa mo

Kung sa tingin namin ay bagay ang isang TV show o pelikula sa panlasa mo, posibleng makita mo ito nang may double thumbs up icon .

Nakakatulong ang mga rating mo para makapagrekomenda kami ng mga popular na TV show at pelikula sa Netflix. May label na May Pinakamaraming Like ang mga TV show at pelikulang may pinakamaraming positibong rating.

Paalala:Sa ilang mas lumang device, mga star ang makikita sa halip na thumbs up o thumbs down. Para i-save ang mga thumbs up/down rating mo, pumunta sa Netflix.com o gamitin ang Netflix app.

Mga Kaugnay na Article