Accessibility sa Netflix

May mga option ka para kontrolin kung paano ka mag-a-access at manonood ng Netflix. Available ang sumusunod na accessibility feature para sa mga taong may mga problema sa pandinig, paningin, o pagkilos.

Mga assistive listening system

Puwede kang gumamit ng maraming uri ng assistive listening headset, hearing aid, headphone, o neck loop para mapakinggan ang mga TV show o pelikula na pinapanood mo.

Mga audio description

Ang mga audio description ay nagbibigay ng iba pang detalye sa nangyayari sa screen, kasama na rito ang mga ekspresyon ng mukha, pisikal na pagkilos, at pagbabago sa eksena. Maraming TV show at pelikula sa Netflix na may mga audio description.

Mga kontrol sa brightness

Dagdagan o bawasan ang brightness ng TV show o pelikula habang nanonood sa mga mobile device.

Mga kontrol sa font size

Para mas malaking font size ang makita sa Netflix app, i-update ang settings sa iOS o Android mobile device mo.

Mga keyboard shortcut

Makokontrol mo ang pag-play ng mga TV show at pelikula gamit ang mga keyboard shortcut sa computer mo. Kasama sa mga kontrol ang play/pause, rewind, fast-forward, pati na ang laki ng screen at settings ng volume.

Mga kontrol sa bilis ng playback

Dagdagan o bawasan ang bilis ng playback ng TV show o pelikula habang nanonood sa mga mobile device.

Mga screen reader

Puwede kang mag-navigate sa Netflix gamit ang maraming karaniwang screen reader na nagbabasa ng mga text nang malakas.

Subtitles at closed captions

Ipinapakita ng subtitles ang dialogue bilang text para mabasa mo ito sa screen mo. Hindi lang basta dialogue text ang closed captions kundi nagbibigay rin ito ng iba pang detalye tungkol sa mga tunog na nangyayari sa mga TV show o pelikula. Puwede mong palitan ang font, laki, shadow, at background color ng subtitles at closed captions. Kung may mga tanong ka o alalahanin tungkol sa closed captions sa Netflix, ipaalam ito sa amin.

Mga voice command

Puwede kang maghanap at mag-play ng mga TV show at pelikula gamit ang mga voice command sa Netflix. Sa maraming voice-enabled remote control at voice-activated assistant, puwedeng boses mo lang ang gamitin.


Alamin kung paano magbahagi ng feedback kaugnay ng accessibility para sa karagdagang support o para magbigay ng feedback sa mga accessibility feature o pagsisikap namin.

Mga Kaugnay na Article