Ayaw mag-off ng Audio Descriptions

Kung hindi mo ma-off ang Audio Descriptions, karaniwang nangangahulugan ito na may setting sa device mo na kailangang palitan.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

  1. Mula sa home screen ng device mo, i-tap ang Settings.

  2. I-tap ang General > Accessibility > Audio Descriptions.

  3. Palitan ang setting sa Off.

  4. Bumalik sa Netflix app at simulang mag-play ng isang pelikula o TV show.

  5. Habang may nagpe-play na pelikula o TV show, mag-swipe pababa sa Apple TV remote.

  6. I-tap ang Audio sa kanang bahagi sa ibaba.

  7. Pumili ng opsyon bukod sa Audio Description.

  8. Umalis sa screen sa pamamagitan ng pag-tap sa X.

  9. I-play ang pelikula o TV show mo nang kahit 5 minuto para ma-save ang setting na ito sa Netflix profile mo.

  1. Mula sa home screen ng device mo, i-tap ang Settings.

  2. I-tap ang Accessibility > Audio Descriptions.

  3. Siguraduhing naka-off ang setting na Audio Descriptions.

  4. Bumalik sa Netflix app at simulang mag-play ng isang pelikula o TV show.

  5. Habang may nagpe-play na pelikula o TV show, mag-tap kahit saan sa screen ng iOS device.

  6. I-tap ang Audio at Mga Subtitle sa ibaba ng screen.

  7. Sa column na Audio, siguraduhing walang Audio Description ang pinili mong option sa audio.

  8. Umalis sa screen sa pamamagitan ng pag-tap sa X.

  9. I-play ang pelikula o TV show mo nang kahit 5 minuto para ma-save ang settings mo.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article