Audio Description para sa mga TV show at pelikula
Ang Audio Description ay isang optional narration na naglalarawan sa kung ano ang nangyayari sa screen, na kinabibilangan ng mga pisikal na pagkilos, facial expression, costume, setting, at pagbabago ng eksena.
Available ito sa karamihan ng mga original title na mula sa Netflix at sa marami pang ibang TV show at pelikula. Lagi kaming nakikipagtulungan sa mga studio para maging available ang mga ito sa mas marami pang title.
Tingnan ang lahat ng title na may Audio Description, o tingnan kung may Audio Description badge sa page ng mga detalye ng title.
May ilang TV show na baka walang Audio Description para sa lahat ng Season o Episode.
Pag-on o pag-off ng Audio Description:
Buksan ang Netflix at simulang mag-play ng TV show o pelikula.
Gawin ang aksyong nakalista para sa device mo:
Device | Aksyon |
Mga mobile phone o tablet, computer | I-tap o i-click ang screen |
Smart TV, mga Blu-ray player, cable box, gaming system, streaming media player | Pindutin ang up o down arrow sa remote. |
Apple TV | Mag-swipe up o pindutin ang up arrow sa Apple TV remote mo. |
3. Sa alinman sa itaas o ibaba ng screen, piliin ang Audio at Mga Subtitle. Sa mga TV, posibleng makita ang mga option sa wika sa ibaba nang walang icon. Puwede kang pumili sa mga wika na ipinapakita o piliin ang Iba pa para makita ang lahat ng option sa wika.
4. Palitan ang mga napili mong audio o subtitle.
Tandaan:Hindi nase-save ang mga preference sa subtitle at audio kapag karamihan sa mga Pambatang title ang pinapanood mula sa pangmatandang profile. Nase-save ang mga ito kapag mula sa Pambatang profile nanonood. Kung kailangan mong i-reset ang audio mo tuwing sinusubukan mong manood, mag-play ng title na may maturity rating na Teens o mas mataas sa loob ng 2-3 min para mai-set ang gusto mong wika ng audio. Ise-save nito ang settings mo para sa susunod mong panonood.
Pumili ng audio track na may Audio Description sa title para i-on ito, o ng wala nito para i-off ito.