Paano mag-report ng mga isyu sa title

Kung may napansin kang problema sa quality, sound, picture, video, o mga subtitle sa isang TV show o pelikula, puwede mo itong direktang i-report sa Netflix. Kahit na posibleng hindi maayos kaagad ang lahat ng isyu, kapag nag-report ng problema, malalaman ng mga content team namin ang tungkol sa isyung dapat nilang ayusin.

Puwede mong i-report ang alinman sa mga sumusunod na isyu sa isang title:

  • Nagba-buffer

  • Mga problema sa mga subtitle o caption, kasama na ang quality o availability

  • Mga problema sa audio o dubbing, kasama na ang quality o availability

  • Mga problema sa video quality o aspect ratio

  • Mga volume level

  • Mali ang ayos ng mga episode o season

  • Problema sa maturity rating o klasipikasyon

  • Di-angkop na content

  • Mali o may error sa title o paglalarawan

  • Mali, mapanlinlang, o spoiler ang larawan ng title

Kung nagkakaisyu ka sa lahat ng title na pine-play mo, tingnan ang Mga isyu sa video sa Netflix o May isyu sa sound ng TV show o pelikula.

Paano mag-report ng mga isyu

Puwede kang mag-report ng problema sa title habang pinapanood ito sa web browser o Netflix app sa Windows 10 at mas bago, o sa Account page mo sa website ng Netflix.

Habang nanonood sa Android phone o tablet, iPhone, iPad, web browser, o Netflix app sa Windows 10 at mas bago:

  1. I-click ang flag sa itaas ng screen.

  2. Piliin kung saan ka nagkakaproblema:

    • Pag-buffer at Pag-load (Malabo, nagba-buffer, o hindi naglo-load ang video.)

    • Mga Subtitle at Caption (Mukhang hindi gumagana nang maayos ang mga subtitle o caption.)

    • Audio at Video (Mahirap marinig o panoorin ang video.)

    • Iba Pang Isyu (May iba pang problema sa show o pelikula.)

  3. Magdagdag pa ng mga detalye, kung kailangan. Kung wala sa mga option ang isyu mo, ilagay ito sa comment box.

  4. Piliin ang Ipadala para i-report ang problema mo.

Tandaan: Kung nanoood ka sa Android phone o tablet, iPhone, o iPad, makikita mo lang ang option na mag-report ng isyu sa title kung may plan ka na may ads.

  1. Pumunta sa Netflix Account page mo sa web browser.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Activity sa panonood.

  4. Hanapin ang title kung saan ka nagkakaisyu.

  5. Piliin ang Mag-report ng problema sa tabi ng title o episode na may isyu.

  6. Pumili sa mga sumusunod:

    • Pelikula o TV episode na may maling label (mali ang title o buod, mali ang ayos ng mga episode)

    • Mga problema sa video (malabo, napuputol, o may kakaiba sa hitsura)

    • Mga problema sa sound (mahirap marinig, hindi tugma sa video, walang tunog sa ilang parte)

    • Mga problema sa mga subtitle o caption (nawawala, mahirap basahin, hindi sabay sa tunog, mali ang spelling, o pangit ang translation)

  7. Maglagay pa ng mga detalye tungkol sa problema, kung kailangan.

  8. Piliin ang Mag-report ng Problema.

Mga Kaugnay na Article