Mga problema sa video sa Netflix

Kung may nararanasan kang problema sa video o display sa lahat ng TV show o pelikula sa Netflix, karaniwang maaayos mo ang problema gamit ang ilang basic steps. Para magsimula, piliin ang problema mo sa ibaba.

Paalala:Kung isang TV show o pelikula lang ang may problema, puwede mong direktang i-report ang problema sa Netflix.

Kung hindi maganda o low quality ang video mo sa Netflix, may ilang paraan para ayusin ito. Sundin ang steps namin para makuha ang pinakamagandang video quality sa device mo.

Kung itim, blank, o puti ang screen mo kapag manonood o magbubukas ka ng Netflix, karaniwang ibig sabihin nitong may problema sa device o cable na nagko-connect sa device mo sa TV mo.

Para makuha ang steps para ayusin ang problema, gamitin ang mga link sa ibaba.

Kung distorted ang Netflix video, mali ang size nito, tumatalon ito, o nagsi-stutter habang nagpe-play, karaniwang ibig sabihin nitong may problema sa settings ng TV o streaming device mo.

Para makuha ang steps para ayusin ang problema, gamitin ang mga link sa ibaba.

Kung mali ang kulay o hue ng Netflix video kapag sinusubukan mong manood ng Netflix, karaniwang ibig sabihin nitong may problema sa settings ng device mo, o sa cable na nagko-connect sa device mo sa TV mo.

Para makuha ang steps para ayusin ang problema, gamitin ang mga link sa ibaba.

Kung may nararanasan kang ibang problema sa kulay o hue ng video sa nakalista sa taas, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Para sa ibang problema sa video, gamitin ang mga link sa ibaba para sa steps para maayos ang problema.

Kung nakakaranas ka ng ibang problema sa video na hindi nakalista sa page na ito, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Mga Kaugnay na Article