Distorted, glitchy, tumatalon, o nagsa-stutter ang video
Kung distorted, glitchy, o tumatalon o nagsa-stutter ang video quality ng Netflix mo habang nagpe-play, ibig sabihin nito na may isyu sa device o video cable mo na nagko-connect sa streaming device at TV mo.
Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.
Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.
Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.
Posibleng gumanda ang performance ng streaming ng Netflix kung isasara mo ang mga tab ng browser, application, at program na posibleng umuubos ng memory at processing resources ng computer mo.
I-shut down ang computer mo gamit ang menu:
Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.
Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.
Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.
Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.
I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.
Para sa instructions sa pag-update, i-click ang link para sa browser mo sa ibaba.
Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.
Direktang i-connect ang monitor mo sa computer para hindi mo na kailanganing gumamit ng anumang HDMI converter.
Kung gumagamit ka ng HDMI cable, subuking pagpalitin ang magkabilang dulo nito, o gumamit ng bagong HDMI cable.
Kung gumagamit ka ng mahigit sa isang monitor, i-unplug ang mga ito mula sa computer mo, at saka isa-isang i-plug ulit ang mga ito habang sinusubukan ang Netflix sa bawat pagkakataon.
Kung nararanasan mo lang ang error na ito sa isang monitor, baka may problema ka sa copy protection. Inirerekomenda namin na makipag-ugnayan ka sa manufacturer ng monitor para sa karagdagang tulong, o hayaang naka-disconnect ang device habang nagsi-stream.