Green screen na may tunog

Kung makakakuha ka ng solid na green screen na may tunog kapag sinusubukan mong manood ng Netflix, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo.

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi iyon gagana, sundin ang steps para sa computer mo.

Kapag ni-reset mo ang app, masa-sign out ka sa Netflix.

  1. I-click ang Start menu, pagkatapos ay i-click ang Settings.

  2. Sa kaliwa, i-click ang Apps > Mga naka-install na app.

  3. Mag-scroll pababa para hanapin ang Netflix app.

  4. Sa tabi ng Netflix app, i-click ang Menu, at i-click ang Mga advanced na option.

  5. Sa ilalim ng I-reset, i-click ang button na I-reset.

  6. Subukan ulit ang Netflix

Baka kailanganin mong i-update ang video driver ng computer mo, o mag-install ng video driver na supported ng Windows 10.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa steps na ito. Kung hindi ka komportableng gawin ang mga ito nang mag-isa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong.

  • Kung gumagamit ang computer mo ng graphics card o GPU, gamitin ang software na naka-install sa card para i-update ang video driver nito.

    Tandaan:Ang AMD at NVIDIA ang mga pinakakaraniwang producer ng mga GPU at GPU software.

  • Kung hindi gumana ang update o walang available na update, i-uninstall ang driver at i-reinstall ito.

  • Kung walang video driver para sa computer na supported ng Windows 10, subukang i-play ang Netflix sa ibang device o browser, tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Opera.

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.

I-update ang Mac computer mo

Sundin ang steps ng Apple para i-install ang mga update at upgrade para sa macOS, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

I-update ang Chromebook mo

Sundin ang steps ng Google para i-update ang operating system ng Chromebook mo, at subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article