Gray o white screen

Kung nakakakita ka ng gray o white screen kapag sinusubukan mong mag-Netflix, baka may problema sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

I-restart ang device mo
  1. Sa Amazon Fire TV remote mo, pindutin ang Home button.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang My Fire TV.

    • Kung hindi mo nakikita ang My Fire TV, piliin ang System o Device.

  4. Piliin ang Restart.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

I-off ang mga Chrome extension

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

I-force Quit ang Safari

  1. Piliin ang Apple icon sa kaliwang sulok sa itaas ng browser.

  2. Piliin ang Force Quit.

  3. Piliin ang Safari.

  4. Piliin ang Force Quit.

  5. I-confirm ang pinili mo.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article