Baka kailanganin mong i-update ang video driver ng computer mo, o mag-install ng video driver na supported ng Windows 10.
Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa steps na ito. Kung hindi ka komportableng gawin ang mga ito nang mag-isa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong.
Kung gumagamit ang computer mo ng graphics card o GPU, gamitin ang software na naka-install sa card para i-update ang video driver nito.
Tandaan:Ang AMD at NVIDIA ang mga pinakakaraniwang producer ng mga GPU at GPU software.
Kung hindi gumana ang update o walang available na update, i-uninstall ang driver at i-reinstall ito.
Kung walang video driver para sa computer na supported ng Windows 10, subukang i-play ang Netflix sa ibang device o browser, tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Opera.