Masyadong madilim ang mga TV show o pelikula
Kung masyadong madilim ang isang TV show o pelikula, o hindi sapat ang liwanag nito para makita, baka kailanganin mong ayusin ang settings ng brightness o High Dynamic Range (HDR) sa device mo.
Mobile phone o tablet
Para ayusin ang brightness ng Netflix sa phone o tablet:
I-tap ang screen habang may nagpe-play na TV show o pelikula.
I-slide pataas o pababa ang brightness indicator para dagdagan o bawasan ang brightness.
Puwede mo ring baguhin ang brightness ng screen, mag-swipe lang pababa mula sa itaas ng screen at i-adjust ang slider ng brightness.
TV o streaming device
Kadalasan, magkakaiba ang steps para baguhin ang settings ng brightness o HDR para sa bawat brand at uri ng device.
Para alamin ang steps kung paano baguhin ang settings na ito sa device mo:
Tingnan sa manual o instructions na kasama nito.
Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device, o maghanap ng tulong sa website nila.
Paalala:Dahil magkakaiba ang steps para baguhin ang settings na ito para sa bawat device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa sumusunod na steps para sa device mo.
Para i-enable o i-disable ang HDR lang sa Netflix app (o mga device na may HDR):
Buksan ang Netflix app, at pumili ng profile.
Sa home screen ng Netflix, pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.
Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Video.
Piliin ang Naka-on ang HDR o Naka-off ang HDR.
Ituloy ang panonood sa Netflix.
Ang susunod na gagawin
Kung hindi naayos ang problema kahit binago na ang setting ng brightness o HDR, makipag-ugnayan sa Customer Service ng Netflix para sa karagdagang tulong.