Black screen na may tunog
Kung may naririnig kang tunog pero wala kang nakikitang video, o kung nagiging black ang video habang nanonood, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa device mo o pinigilan ng isang video cable ang Netflix na magpakita ng video.
Paalala:Kung wala kang naririnig o nakikitang video, sundin na lang ang steps na ito.
Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.
Sundin ang steps na ito kung gumagamit ka ng TV o device na nagko-connect sa TV mo tulad ng streaming stick, media player, Apple TV, set-top box, o Blu-ray player.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.
Para ayusin ang problema:
Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.
Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.
Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.
Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.
Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.
Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.
Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.
Baka kailanganin mong baguhin ang settings ng Video o Picture sa TV o device mo, o mag-troubleshoot ng isyu sa video.
Paalala:Dahil magkakaiba ang steps para baguhin ang settings na ito o mag-troubleshoot ng isyu sa video para sa bawat device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa sumusunod na steps para sa device mo.
Para alamin ang steps para baguhin ang settings na ito o mag-troubleshoot ng isyu sa video:
Tingnan ang manual o instructions na kasama sa TV o device mo.
Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV o device, o maghanap ng tulong sa website nila.
Baka hindi supported ng Netflix ang mga app o feature na mini-mirror ang screen ng Android device mo sa isang TV. Para magamit ang Android device mo para manood ng Netflix sa TV, gumamit ng supported connection.
Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.
Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.
Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.
Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.
Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.
Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.
I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.
I-on ito ulit.
Subukan ulit ang Netflix.
Buksan ang Settings app.
I-tap ang System > System update.
I-check kung may available na update at i-install.
Subukan ulit ang Netflix.
Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.
Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.
Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.
I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.
I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.
Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.
Buksan ang App Switcher sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa Home button. Kung walang home button ang device mo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at pindutin ito nang matagal.
I-swipe pataas ang app para i-quit ito.
Buksan ang app, pagkatapos ay subukan ulit.
Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.
Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.
Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.
Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.
Hindi na supported ng Netflix ang Airplay at Screen Mirroring.
Para gamitin ang iPhone o iPad mo para manood ng Netflix sa TV, gumamit ng supported na connection.
Hindi na supported ng Netflix ang Screen Mirroring at Sidecar at kailangang i-off ang mga ito habang nagpe-play ang Netflix. Para sa tulong sa pag-off sa features na ito, makipag-ugnayan sa Apple Support.
Kung gumagamit ka ng web browser:
Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.
Baka kailanganin mong i-update ang video driver ng computer mo, o mag-install ng video driver na supported ng Windows 10.
Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa steps na ito. Kung hindi ka komportableng gawin ang mga ito nang mag-isa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong.
Kung gumagamit ang computer mo ng graphics card o GPU, gamitin ang software na naka-install sa card para i-update ang video driver nito.
Tandaan:Ang AMD at NVIDIA ang mga pinakakaraniwang producer ng mga GPU at GPU software.
Kung hindi gumana ang update o walang available na update, i-uninstall ang driver at i-reinstall ito.
Kung walang video driver para sa computer na supported ng Windows 10, subukang i-play ang Netflix sa ibang device o browser, tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Opera.
Kung gumagamit ka ng Netflix app para sa Windows:
Kapag ni-reset mo ang app, masa-sign out ka sa Netflix.
I-click ang Start menu, pagkatapos ay i-click ang Settings.
Sa kaliwa, i-click ang Apps > Mga naka-install na app.
Mag-scroll pababa para hanapin ang Netflix app.
Sa tabi ng Netflix app, i-click ang Menu, at i-click ang Mga advanced na option.
Sa ilalim ng I-reset, i-click ang button na I-reset.
Subukan ulit ang Netflix
Baka kailanganin mong i-update ang video driver ng computer mo, o mag-install ng video driver na supported ng Windows 10.
Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa steps na ito. Kung hindi ka komportableng gawin ang mga ito nang mag-isa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong.
Kung gumagamit ang computer mo ng graphics card o GPU, gamitin ang software na naka-install sa card para i-update ang video driver nito.
Tandaan:Ang AMD at NVIDIA ang mga pinakakaraniwang producer ng mga GPU at GPU software.
Kung hindi gumana ang update o walang available na update, i-uninstall ang driver at i-reinstall ito.
Kung walang video driver para sa computer na supported ng Windows 10, subukang i-play ang Netflix sa ibang device o browser, tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Opera.
Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.
Hindi na supported ng Netflix ang Airplay at Screen Mirroring.
Para gamitin ang Mac mo para manood ng Netflix sa TV, gumamit ng supported na connection.
Hindi na supported ng Netflix ang Screen Mirroring at Sidecar at kailangang i-off ang mga ito habang nagpe-play ang Netflix.
Para sa tulong sa pag-off sa features na ito, makipag-ugnayan sa Apple Support.
Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Iba pa.
I-click ang Help > About Google Chrome.
Maghintay habang automatic na naghahanap ng mga bagong update ang Chrome.
Kapag may available na update, i-click ang Relaunch.
Subukan ulit ang Netflix.
Baka kailangan mong mag-troubleshoot ng isyu sa video cable mo. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.
Pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.
Kung mayroon, subukan ang ibang HDMI port sa TV o display mo.
Subukang gumamit ng isa pang HDMI cable.
Posibleng ginagamit mo ang screen mirroring ng Google Home para manood ng Netflix sa phone mo. Gamitin ang steps sa ibaba para i-off ang screen mirroring at mag-cast mula mismo sa Netflix app.
Siguraduhing nasa iisang Wi-Fi network ang phone o tablet mo at ang Chromecast device mo.
Buksan ang Google Home app.
I-tap ang Chromecast device mo, pagkatapos ay i-tap ang Stop mirroring.
Buksan ang Netflix app.
I-tap ang TV show o pelikulang gusto mong panoorin.
I-tap ang Cast icon sa page ng paglalarawan ng title para mag-cast sa TV mo.
Kung gumagamit ka ng first-generation na Playstation VR (CUH-ZVR1) sa PlayStation 4 Pro, baka dahil sa isang HDR setting ang problema mo. Para palitan ang setting, sundin ang steps sa ibaba.
I-off ang gHDR
Sa PS4 home screen, piliin ang Settings.
Piliin ang Sounds and screen.
Piliin ang Video Output Settings.
Piliin ang HDR.
I-off ang HDR.
Subukan ulit ang Netflix.
Kung naayos nito ang problema pero gusto mo pa ring mag-stream ng Netflix sa HDR, i-disconnect ang PSVR unit mo at direktang manood ng Netflix sa PlayStation 4 Pro mo.
Kung hindi nito naayos ang problema mo, o kung hindi ka gumagamit ng first-generation PlayStation VR sa PlayStation 4 Pro, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.
Para ayusin ang problema:
Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.
Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.
Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.
Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.
Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.
Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.
Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.
Para ayusin ang problema:
Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.
Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.
Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.
Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.
Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.
Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.
Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.