Puwede kang gumamit ng external cable para i-connect ang desktop o laptop computer sa TV mo para mai-display ang computer sa TV mo. Nag-iiba-iba ang mga cable connection depende sa mga kinakailangan sa output ng computer at input ng TV.
Kailangan mong alamin ang mga tamang cable connection o adapter na kailangan para sa configuration ng computer at TV mo. Kung hindi mo alam ang mga uri ng connection mo, tingnan ang mga manual ng computer o TV mo, o makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para sa higit pang impormasyon.
Gagamit ng mga HDMI connection ang mga mas bagong TV.
Gagamit ng Type C (tinatawag ding USB-C) o Thunderbolt connection ang karamihan sa mga mas bagong Apple computer.
Gagamit ng Display Port o HDMI connection ang karamihan sa mga mas bagong PC computer.
Kapag gumagamit ng mga compatible na connection para manood ng Netflix, baka may mapansin kang pagkakaiba sa display ng mga sini-stream at na-download na title.
Paalala:Hindi supported ang autoplay sa mga cable connection.