Kulay pink na video na may tunog

Kung makakakuha ka ng kulay pink na video kapag sinusubukan mong manood ng Netflix, karaniwang nangangahulugan itong may setting sa device mo na kailangang i-adjust. Sundin ang steps para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.

Para ayusin ang problema:

  1. Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.

  2. Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.

  3. Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.

  4. Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.

  5. Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.

  6. Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.

    • Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.

Tingnan kung may 4K HDR, HDR, o Dolby Vision badge sa page ng paglalarawan ng title.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

May problema sa hardware o software ang device mo na ang manufacturer lang ng device ang makakalutas. Para makabalik sa panonood ng Netflix, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo at hingin ang sumusunod:

  • Tulong na siguraduhing maayos na naka-configure ang TV mo para mag-stream ng Ultra HD content.

  • Tulong sa pag-upgrade sa pinakabagong firmware para sa device.

  • Tulong sa pag-factory reset.

Kung hindi makakatulong ang steps na iyon, gumamit ng ibang device para patuloy na makapanood ng Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article