Black and white na video

Kung makakakuha ka ng black and white na video kapag sinusubukan mong manood ng TV show o pelikula, karaniwang nangangahulugan itong kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para malutas ng device mo ang isyu.

Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo

Posibleng nagagawang black and white ng picture settings ng TV mo ang Netflix. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa tulong na i-adjust ang settings na ito.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Posibleng luma na o corrupt ang mga video card driver mo.

  • I-uninstall at i-reinstall ang video card driver mo. Makakatulong ang owner's manual mo o website ng manufacturer ng video card mo.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article