Paano Gumagana ang System ng mga Rekomendasyon ng Netflix
Ang negosyo namin ay isang subscription service model na nagbibigay ng mga personalized na rekomendasyon, para tulungan kang makahanap ng mga show, pelikula, at game na mukhang mae-enjoy mo. Para dito, gumawa kami ng makabagong system ng mga rekomendasyon. Nagbibigay ang article na ito ng mahusay na paglalarawan ng aming system ng mga rekomendasyon sa paraang madaling maunawaan.
Ang mga basic
Sa tuwing ina-access mo ang serbisyo ng Netflix, sinisikap ng aming system ng mga rekomendasyon na tulungan kang makahanap ng show, pelikula, o game na mae-enjoy mo nang walang kahirap-hirap. Pinag-aaralan namin ang posibilidad na ma-enjoy mo ang isang partikular na title sa catalog namin batay sa ilang factors gaya ng:
mga interaction mo sa serbisyo namin (tulad ng history ng panonood mo at kung paano mo ni-rate ang ibang title),
iba pang member na pareho ang mga hilig at preference sa serbisyo namin, at
impormasyon tungkol sa mga title, tulad ng genre, mga kategorya, mga aktor, taon ng release, atbp.
Bukod pa sa impormasyon tungkol sa kung ano ang pinanood mo sa Netflix, para pinakamahusay na ma-personalize ang mga rekomendasyon, pinag-iisipan din namin ang factors gaya ng:
oras kung kailan mo nae-enjoy ang Netflix,
mga wikang gusto mo
mga device kung saan mo ine-enjoy ang Netflix, at
kung gaano katagal mo na-enjoy ang isang title sa Netflix.
Ginagamit ang lahat ng signal na ito bilang ilan sa inputs na pino-process namin sa algorithms namin. (Ang algorithm ay isang proseso o set ng rules na sinusunod sa isang problem solving operation.) Hindi isinasama sa system ng mga rekomendasyon ang demographic information (tulad ng edad o kasarian) bilang bahagi ng proseso ng paggawa ng desisyon.
Kung wala kang nakikitang gusto mong panoorin, puwede kang mag-search na lang sa buong catalog na available sa iyo. Sinusubukan naming padaliin at pabilisin ang pag-search hangga't maaari. Kapag naglagay ka ng search query, ibabatay sa ilang factor ang mga nangungunang resultang ibabalik namin, gaya ng mga bagay na ginawa ng iba pang member na naglagay ng kapareho o katulad na query, hula namin tungkol sa gusto mong i-enjoy sa Netflix, at iba pa.
Makikita sa ibaba ang paglalarawan ng kung paano gumagana ang system sa paglipas ng panahon, at kung paano naiimpluwensyahan ng mga piraso ng impormasyong ito kung ano ang ipinapakita namin sa iyo.
“Pag-jump start” sa system ng mga rekomendasyon
Kapag ginawa mo ang Netflix account mo, o nagdagdag ka ng bagong profile sa account mo, hihilingin naming pumili ka ng ilang title na gusto mo. Ginagamit namin ang mga title na ito para “i-jump start” ang mga rekomendasyon mo. Optional ang pagpili ng ilang title na gusto mo. Kung pipiliin mong huwag gawin ang step na ito, magsisimula kami sa iba't iba at sikat na title para makapagsimula ka.
Kapag nagsimula ka nang tumingin ng mga title sa serbisyong ito, “bibigyang priyoridad” ito kaysa sa anumang preference na nauna mo nang ibinigay sa amin. Habang patuloy mong nae-enjoy ang Netflix sa paglipas ng panahon, magkakaroon ng mas malaking impluwensya sa aming system ng mga rekomendasyon ang mga title na mas bago mong tinitingnan kaysa sa mga title na dati mo pa tiningnan.
Mga row, ranking, at representation ng title
Kapag tiningnan mo ang Netflix homepage mo, ni-rank ng systems namin ang mga title at nakaayos ang mga ito para ipakita ang pinakamagandang pagkakasunod-sunod ng mga title na posible mong ma-enjoy.
Sa bawat page, maraming layer ng personalization. Halimbawa, sa isang row, puwede naming i-personalize ang sumusunod:
ang piniling row (tulad ng Ituloy ang Panonood)
kung aling mga title ang lalabas sa row, at
ang pagkakasunod-sunod ng mga title na iyon.
Nasa itaas ang mga title na pinakaunang inirerekomenda. Nagsisimula ang mga title na lubos na inirerekomenda mula sa kaliwa pakanan ng bawat row—maliban kung pinili mo bilang wika ang Arabic o Hebrew sa systems namin, at kung gayon, magsisimula ang mga ito mula sa kanan pakaliwa.
Paano namin pinapahusay ang aming system ng mga rekomendasyon
Nangangalap kami ng feedback sa bawat pagpunta sa serbisyo ng Netflix (halimbawa, kung anong mga title ang sinisimulan mong panoorin, kung tinatapos mo ang mga title na iyon, at kung paano mo nire-rate ang mga title na iyon, tulad ng thumbs up) at tuloy-tuloy naming ina-update ang algorithms namin gamit ang mga signal na iyon para mas maging tumpak ang hula namin tungkol sa kung ano ang pinakamalamang mong panonoorin. Patuloy na pinag-uugnay-ugnay ang data, algorithms, at computation systems namin para makagawa ng mga bagong rekomendasyon para manatiling angkop at kapaki-pakinabang ang experience mo sa Netflix.
Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.