Netflix Error O7121-3078

Posibleng makita mo ang error code na O7121-3078 kasama ng message na:

Pasensya na sa abala
Mukhang hindi na supported ang version na ito ng browser mo. Paki-install ang pinakabagong version para patuloy kang makapanood.

Ibig sabihin nitong hindi na sinu-support ang version mo ng Opera at dapat itong i-update para gumana ang Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

I-update ang web browser mo

Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.

Kung naka-install ang Windows XP, Windows Vista, o Windows 7 sa computer mo:

Hindi makapag-update ang computer mo sa mga pinakabagong version ng browser na kailangan para makapag-play ng Netflix.

Para gamitin ang Netflix, kakailanganin mong gumamit ng device na supported ng Netflix.

I-update ang Opera

Puwede lang i-update ang Opera sa sinu-support na version kung may macOS 10.15 (Catalina) o mas bago ang computer mo.

Para tingnan ang version ng Mac mo:

  1. Piliin ang Apple icon sa kaliwang sulok sa itaas ng screen.

  2. Piliin ang About this Mac para tingnan ang version mo.

  3. Kung macOS 10.15 o mas bago ang version mo, kakailanganin mong i-update ang Opera browser mo.

Kung naka-install sa computer mo ang version na mas luma sa macOS 10.15:

Hindi makapag-update ang computer mo sa mga pinakabagong version ng browser na kailangan para makapag-play ng Netflix.

Para gamitin ang Netflix, kakailanganin mong gumamit ng device na supported ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article