Sabi ng Netflix, 'Kailangan ng update'

Kung natatanggap mo ang isa sa mga message na ito kapag pumupunta ka sa netflix.com:

Kailangan ng Update

Mag-update

Ibig sabihin nitong kailangang i-update o hindi sinu-support ng Netflix ang browser, operating system, o device mo.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps sa ibaba. Kung hindi mo pa rin ma-access ang Netflix o kailangan mong gumawa ng mga pagbabago sa account mo, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong.

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para i-update ang browser mo:

Paalala:Hindi sinu-support ng Netflix ang ibang browser, pero posibleng gumana pa rin ang pag-install ng mga update para sa mga iyon. Kung hindi gagana ang pag-update, kakailanganin mong kumuha ng supported na browser para gamitin ang website ng Netflix.

Kung walang available na update para sa browser o hindi maayos ng pag-update ang problema, sundin ang susunod na steps para i-update ang device mo.

Pumili ng option sa ibaba para makakuha ng steps para i-update ang operating system ng mobile device o computer mo.

Mga Computer

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.

Sundin ang steps ng Apple para i-install ang mga update at upgrade para sa macOS, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Sundin ang steps ng Google para i-update ang operating system ng Chromebook mo, at subukan ulit ang Netflix.

Dahil posibleng magkakaiba ang steps para mag-update ng Linux device para sa bawat distribution ng Linux, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pagsunod sa steps para sa device mo.

Mga mobile phone at tablet

  1. Buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang System > System update.

  3. I-check kung may available na update at i-install.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Sundin ang steps ng Apple parai-update ang device mo sa pinakabagong version, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nag-install ka ng mga update para sa mobile device o computer mo, posibleng puwede ka na ngayong mag-update sa mas bagong version ng web browser mo. Posibleng kailangan mong sundin ang steps para i-update ang browser mo ulit para ayusin ang problema.

Mga Kaugnay na Article