Paano gumamit ng Netflix sa Google Chromebook o Chromebox mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix sa Chromebook at Chromebox mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo.

Puwede kang manood ng Netflix sa mga Google Chromebook at Chromebox computer gamit ang Chrome browser o ang Netflix app mula sa Google Play Store. Kasama sa mga feature ng streaming sa Netflix sa mga Chromebook and Chromebox computer ang:

Navigation

  • Browsing: Nagpapakita ang Netflix.com ng mga row ng TV shows at pelikula para ma-browse. Puwede ka ring mag-browse ng mga genre mula sa drop-down menu na Mag-browse.

  • Search: Mag-search ng mga partikular na title ng TV show o pelikula, actor, director, o genre sa search box sa kanang sulok sa itaas ng menu bar ng Netflix.com.

  • Mga page ng TV show o pelikula: Ilagay ang cursor mo sa poster ng TV show o pelikula para makita ang maikling buod, taon ng pagka-produce, at maturity rating. Sa pag-click ng title sa section na ito, mapupunta ka sa buong paglalarawan.

  • Playback: Mag-click sa poster para simulang mag-play ng TV show o pelikula. Habang nasa video playback, gamitin ang scroll bar sa ilalim ng player screen para mag-fast forward, mag-rewind, o tumingin ng iba pang option. Para ihinto sa video playback, piliin ang back button sa kaliwang sulok sa itaas ng screen mo. Kung hindi nakikita sa screen mo ang scroll bar o back button, igalaw ang cursor mo hanggang sa lumabas ang mga ito.

Resolution

  • Hanggang 1080p sa Google Chrome

  • Hanggang 720p sa Netflix app mula sa Google Play Store

Mga subtitle at alternate audio

Piliin ang icon na "Mga Audio at Subtitles" para pumili ng alternate language track o para i-on ang mga subtitle kung available.

Puwede kang manood ng Netflix sa Chromebook o Chromebox computer mo sa Netflix website o Netflix app mula sa Google Play Store.

  1. Mag-navigate sa Netflix.com.

  2. Piliin ang Mag-sign In at sundin ang instructions sa screen.

Para i-download ang Netflix app, dapat na naka-enable ang Google Play Store sa computer mo. Pumunta sa Google support site para sa tulong kung hindi pa naka-enable ang Play Store.

  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Hanapin ang Netflix

  3. Piliin ang Netflix app.

  4. Piliin ang Install. Ida-download at ii-install ang Netflix app sa computer mo.

  5. I-click ang Launcher ()

  6. Hanapin at piliin ang Netflix app.

  7. Kapag nasa Netflix app ka na, piliin ang Mag-sign in at sundin ang instructions sa screen.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Mula sa Netflix.com home screen, mag-hover sa profile name mo sa kanang sulok sa itaas ng page.

  2. Piliin ang Mag-sign out sa Netflix.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Higit Pa.

  3. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

Mga Kaugnay na Article