Netflix Error D7121-3078

Kung nakikita mo ang error code na D7121-3078 sa computer mo, na madalas na may ganitong message:

Pasensya na sa abala
Mukhang hindi na supported ang version na ito ng browser mo. Paki-install ang pinakabagong version para patuloy kang makapanood.

Ibig sabihin nito, hindi na supported ang version ng Microsoft Edge na ginagamit mo sa computer mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

I-update ang Microsoft Edge
  1. I-click ang Settings and more > Help and feedback > About Microsoft Edge.

  2. I-click ang Download and install.

  3. Kapag tapos na, i-click ang Restart.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Kung magkaka-error o kung kailangan mo ng tulong habang ina-update ang browser mo, pumunta sa support site ng Microsoft.

Mga Kaugnay na Article