Knittens - Game Support
Tungkol sa laro
Mga Platform: Android phone at tablet, iPhone, iPad, o iPod touch
Game category: Puzzle
Bilang ng players: Single player
Offline play: Wala
Cloud saves: Mayroon
Content rating: Tingnan ang game sa Google Play Store o App Store
Mga Wika: Arabic, Chinese (Traditional), English, French, German, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Spanish (Castilian), Spanish (Latin America), Swedish, Thai, Turkish
Developer: Timecode
Paano mag-download
Mga Requirement
Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:
Compatible na device:
Android phone o tablet na gumagamit ng Android 8.0 o mas bago
iPhone, iPad, o iPod touch na gumagamit ng iOS/iPadOS 15 o mas bago
Active subscription sa Netflix
Internet connection para ma-download, ma-install, at malaro ang game
Sapat na storage space sa device mo
Pag-install
Mga Android phone at tablet
Mula sa Netflix app
Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at tab na Mga Game sa ibaba.
Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.
Paalala:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game o ang tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.
I-tap ang Install.
Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.
Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!
Mula sa Play Store
Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.
Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.
Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.
Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.
Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo
Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!
Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.
iPhone, iPad, at iPod touch
Mula sa Netflix app
May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.
Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.
Tandaan:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game row? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.
I-tap ang Get o ang Cloud icon sa banner ng App Store.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.
Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!
Mula sa App Store
Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.
Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.
Piliin ang game sa mga resulta ng search, at piliin ang Get o ang Cloud icon.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.
Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.
Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!
Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.
Mga tanong sa gameplay
Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.
Tips para matapos ang isang Level
Pipili ang Knittens ng cat ability na Recommended gamitin para tapusin ang goal para sa isang level. Puwede mong subukang gumamit ng ibang ability at tingnan kung makakatulong ito sa strategy mo!
Bukod dito, huwag kalimutang mag-combine ng mga bonus tulad ng mga Ibon, Bulaklak, Butones, at Rainbow yarn.
Paano makakuha ng Fashion Points
Puwede kang mag-knit ng item nang kahit ilang beses mo gusto, pero makakakuha ka lang ng maximum na 2x ng Fashion Points bawat item.
Halimbawa, kung ini-knit mo ang item sa unang pagkakataon nang walang Pattern Yarn, matatanggap mo ang base amount ng points. Kung ini-knit mo ang item na iyon sa pangalawang pagkakataon gamit ang Pattern Yarn, makukuha mo ulit ang base amount ng points. Ang ibig sabihin nito, naabot na ang maximum. Kung ini-knit mo ulit ang item na iyon sa pangatlong pagkakataon, wala ka nang makukuhang Fashion Points.
Puwede ka ring makakuha ng 2x ng Fashion Points kapag nag-knit ka ng item nang may Pattern Yarn sa unang pagkakataon. Kapag nagawa mo na ito, wala ka nang makukuhang Fashion Points kung ini-knit mo ito ulit dahil naabot na ang maximum.
Puwede ko bang i-restart ang game?
Naka-tie ang game progress sa Netflix profile mo sa pamamagitan ng mga pag-save sa cloud. Hindi mo mare-restart ang game gamit ang parehong profile, pero puwede kang mag-replay ng mga level.
Pag-troubleshoot/Mga Problema
Nagkakaproblema ka ba sa game? Heto ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.
Nagka-crash, nagfi-freeze, o hindi na nagre-respond ang game
Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
I-restart ang device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Problema sa performance o visuals ng game
Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Mga problema sa sound o volume ng game
Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:
Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.
Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.
Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.
Kung choppy o putol-putol ang sound:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Error message o code sa game
Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.
Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.
Nawala ang game progress o may mga nawawalang item sa game
Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game, makipag-ugnayan sa amin.
Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.
Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.