Sabi ng Netflix, 'Walang nahanap na device'

Posibleng makuha mo ang message na ito kapag sinusubukan mong gamitin ang Android phone o tablet, iPhone, o iPad mo para i-cast ang Netflix sa TV.

Walang Nahanap na Device
Tiyaking nasa iisang WiFi network lang ang smart TV, streaming device, at mobile device mo.

Ang ibig sabihin ng message na ito ay walang nahanap ang Netflix na cast-compatible na device sa Wi-Fi network mo.

Para ayusin ang problema:

I-check ang list ng mga cast-compatible na device sa ibaba. Kung wala sa list ang device kung saan mo gustong mag-cast, kailangan mong gumamit ng pisikal na remote para i-navigate ang Netflix app.

Supported ng Netflix ang pag-cast sa:

  • Chromecast 3rd gen o mas luma (walang pisikal na remote)

  • Google Nest Hub Smart Display

  • Pumili ng mga Vizio TV kung saan puwedeng mag-cast

  • Pumili ng mga Compal TV kung saan puwedeng mag-cast

Kung gumagamit ka ng cast-compatible na device, subukan ang steps na ito para ayusin ang mga karaniwang dahilan kung bakit lumalabas ang message na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

  1. Tiyaking naka-connect sa kuryente at naka-on ang TV o streaming device mo.

  2. I-connect ang TV o streaming device mo sa Wi-Fi network kung saan din naka-connect ang mobile phone o tablet mo.

    Tandaan:Kung parehong supported sa Wi-Fi router mo ang 2.4 GHz at 5 GHz network, tiyaking naka-connect sa iisang network ang mga device mo.

  3. I-check kung supported ng TV o streaming device mo ang pag-cast o pag-mirror ng screen. Kung hindi ka sigurado, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo.

Kung gumagamit ka ng Chromecast (3rd gen o mas bago):

Piliin ang device mo sa ibaba at sundin ang steps.

Para gamitin ang Netflix sa cast-compatible na device, Android OS version 9 o mas bago dapat ang Android device mo.

Para i-check ang version mo:

  1. Pumunta sa Settings > System > Software updates.

  2. I-tap ang System update.

  3. Kung 8 o mas luma ang version number, kailangan mong i-update ang device mo para magpatuloy.

Para gamitin ang Netflix sa cast-compatible na device, gumagamit dapat ang iPhone o iPad mo ng iOS o iPadOS version 16 o mas bago.

Para i-check ang version mo:

  1. Pumunta sa Settings.

  2. Mag-scroll down at i-tap ang General.

  3. I-tap ang About.

  4. Sa tabi ng Version, tandaan ang version number.

Kung mas mababa sa 16 ang version number, sundin ang steps ng Apple para i-update ang iPhone o iPad mo.

Kung 16 o mas bago ang version number, pumunta sa susunod na steps.

  1. Buksan ang Google Home app sa iPhone o iPad mo. Kung wala ka nito, puwede kang kumuha nito sa App Store.

  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Home icon, at mag-scroll pababa para hanapin ang Chromecast mo.

    • Kung hindi mo mahanap ang Chromecast mo, o ipinapakita ito bilang Offline, siguraduhing naka-plug in ito at naka-connect sa parehong Wi-Fi ng iPhone o iPad mo. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para i-connect ang Chromecast mo sa tamang network.

    • Kung ipinapakita ang Chromecast mo bilang On, nasa tamang network ito.

  3. Buksan ang Netflix, pagkatapos ay subukan ulit.

Illustration of a TV with a power button symbol, a power strip, and a 15-second timer, suggesting a restart device process

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap ang Settings.

  2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Apps. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, magpatuloy sa susunod na step.

  3. Mag-scroll pababa at i-tap ang Netflix.

  4. I-slide ang Reset switch sa naka-on para i-reset ang app.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan: Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Mga Kaugnay na Article