Hindi lumalabas ang Chromecast sa Netflix

Pagka-tap mo sa cast button , posibleng kailangan mong i-tap ang Payagan para hayaan ang Netflix na maghanap at kumonnect sa mga device sa lokal mong network.

Kung na-tap mo ang cast button at hindi lumabas ang TV o Chromecast mo, ibig sabihin, may isyu sa setting o network na pumipigil sa Netflix na mahanap ang device mo sa Wi-Fi network mo.

Paalala:Kung hindi mo makita ang cast button kahit saan sa Netflix app, sundin na lang ang steps para sa pag-troubleshoot na ito.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Settings app.

  2. I-tap ang Google > Devices & sharing > Cast options.

  3. I-on ang Guest mode o Use network information.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Automatic na mag-o-off ang Guest mode pagkalipas ng 2 oras. Kakailanganin mo itong i-on ulit para patuloy kang makapanood.

  1. Buksan ang Google Home app sa Android phone o tablet mo. Kung wala ka nito, makukuha mo ito mula sa Google Play Store.

  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Home icon, at mag-scroll pababa para hanapin ang Chromecast mo.

    • Kung hindi mo mahanap ang Chromecast mo, o ipinapakita ito bilang Offline, baka kailangan mo itong i-plug in o i-connect sa parehong network ng phone o tablet mo. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para i-connect ang Chromecast mo sa ibang network.

    • Kung ipinapakita ang Chromecast mo bilang On, nasa tamang network ito.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Para makita ng Netflix ang Chromecast o TV sa local network mo:

  1. Buksan ang Settings.

  2. Sa list, hanapin at i-tap ang Netflix.

  3. Siguraduhing naka-on ang Local Network.

  1. Buksan ang Google Home app sa iPhone o iPad mo. Kung wala ka nito, puwede kang kumuha nito sa App Store.

  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Home icon, at mag-scroll pababa para hanapin ang Chromecast mo.

    • Kung hindi mo mahanap ang Chromecast mo, o ipinapakita ito bilang Offline, siguraduhing nakasaksak ito at naka-connect sa parehong Wi-Fi ng iPhone o iPad mo. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para i-connect ang Chromecast mo sa tamang network.

    • Kung ipinapakita ang Chromecast mo bilang On, nasa tamang network ito.

  3. Buksan ang Netflix, pagkatapos ay subukan ulit.

Mga Kaugnay na Article