Ayusin ang problema sa Chromecast mo

Kung nagkakaproblema ka sa pag-cast ng Netflix sa Chromecast mo, siguraduhin munang naka-set up ito nang tama. Kung naka-set up ito nang maayos, pero nagkakaproblema ka pa rin, sundin ang steps sa article na Hindi lumalabas sa Netflix app ang cast device o cast icon.

Kung hindi pa rin nalutas ang problema, sundin ang steps para sa device mo sa ibaba:

Para magamit ang Netflix sa Chromecast gamit ang Android phone o tablet mo, kailangang may Android 7 o mas bago ang device mo. Sundin ang steps na ito para i-check kung may System Update.

Puwede mong i-update ang OS (operating system) ng Android device mo sa Settings app. Puntahan ang support site ng Google para makuha ang eksaktong steps o mag-troubleshoot ng isyu.

  • Kung mas luma na sa 7 ang Android version ng device mo, alamin sa manufacturer kung may available na mas bagong version.

  • Kung 7 o mas bago ang Android version ng device mo, pumunta sa susunod na step.

  1. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix page sa Play Store.

  2. I-tap ang I-update.

    "Update” button for Netflix being tapped on Android phone.

Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app mo.

Pag-troubleshoot

Kung hindi ma-download ng device mo ang Netflix app nang direkta mula sa Play Store, baka hindi mo ito puwedeng gamitin sa Chromecast. Posibleng hindi gumana sa Chromecast ang ilang Android device, gaya ng Amazon Fire tablet, dahil wala itong access sa Play Store.

I-update ang Google Chrome
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Iba pa.

  2. I-click ang Help > About Google Chrome.

  3. Maghintay habang automatic na naghahanap ng mga bagong update ang Chrome.

  4. Kapag may available na update, i-click ang Relaunch.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Para magamit ang Netflix sa Chromecast, dapat gumagamit ng iOS 16 o mas bago ang iPhone o iPad mo. Sundin ang steps na ito para i-check ang iOS version ng device mo.

  1. Pumunta sa Settings.

  2. Mag-scroll pababa at i-click ang General.

  3. I-click ang About.

  4. Nakalista ang version number mo sa tabi ng Version.

  • Kung mas luma sa 16 ang iOS version ng device mo, pumunta sa Apple support site para alamin kung paano i-update ang device mo.

  • Kung 16 o mas bago ang iOS version ng device mo, pumunta sa susunod na step.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap ang Settings.

  2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Apps. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, magpatuloy sa susunod na step.

  3. Mag-scroll pababa at i-tap ang Netflix.

  4. I-slide ang Reset switch sa naka-on para i-reset ang app.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article