Netflix Error S7361-1253
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.
Error Code S7361-1253
Ang ibig sabihin ng error na ito ay may problema sa software sa Mac computer mo na pumigil sa pag-play ng Netflix. Para maayos ang problema, kakailanganin mong i-update ang macOS ng Mac mo sa version 14.0 (Sonoma) o mas bago.
Para ma-check ang macOS version ng computer mo:
Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Apple icon.
I-click ang Tungkol sa Mac na ito.
Sa tabi ng macOS, tandaan ang version ng computer mo.
Kung ang macOS version ay Ventura 13.6 o mas luma, sundin ang steps ng Apple para mag-update sa pinakabagong version ng macOS.
Kung ang macOS version ay Sonoma 14.0 o mas bago, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong.
Kung hindi makapag-update ang Mac mo sa macOS version Sonoma 14.0 o mas bago, subukang pumunta ulit sa Netflix gamit ang ibang supported browser, gaya ng Google Chrome o Mozilla Firefox.