Sabi ng Netflix, 'Hindi maka-connect sa site na ito.'

Kung nakikita mo ang message sa computer mo na nagsasabing

Hindi maka-connect sa site na ito

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa Chrome browser mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

I-verify ang web address

I-check para siguraduhing na-type mo ang netflix.com sa address bar ng Chrome. Kung hindi mo pa rin ma-access ang website ng Netflix pagkatapos i-verify ang web address, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Puntahan ang Google Support

Puntahan ang Support Page ng Google at sundin ang steps na ibinigay, at saka subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article