Sabi ng Netflix, 'Hindi kami makalipat ng profile. (-1016)'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Hindi kami makalipat ng profile. Pakisubukan ulit mamaya. (-1016)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

  1. Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.

  3. Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.

  4. Mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.

    • Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Mga Kaugnay na Article