Sabi ng Netflix, 'Hindi kami makalipat ng profile. (-1014)'
Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing
Hindi kami makalipat ng profile. Pakisubukan ulit mamaya. (-1014)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
Mag-sign out sa Netflix
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.
I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.
Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.