Sabi ng Netflix, 'Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. (5012)'

Kung may nakikita kang message sa iPhone o iPad mo na nagsasabing

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. (5012)

Ang karaniwang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mag-sign out sa Netflix

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Mga Kaugnay na Article