Netflix Error U7121-3202

Kung nakikita mo ang error code na U7121-3202 sa Windows 10 computer mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Naku, nagkaproblema...
Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay hindi na-download nang maayos ang title. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-download ulit ang title
  1. I-click o i-tap ang icon ng Menu .

  2. Piliin ang My Downloads.

  3. I-click o i-tap ang icon ng edit sa itaas na kanang sulok ng screen.

  4. Piliin ang title na gusto mong i-delete, lagyan ng check ang kahong katabi nito.

  5. I-click o i-tap ang icon ng delete para alisin ang title sa device mo

  6. I-download ulit ang title.

Mga Kaugnay na Article