Netflix Error U7361-1254-80070057

Kung nakikita mo ang error code na U7361-1254-80070057 sa Windows 10 computer o tablet mo, karaniwang dahil ito sa hindi supported na monitor o screen. Ang supported lang sa Netflix ay ang pag-playback sa mga built-in display o sa pamamagitan ng mga monitor na compatible sa HDCP (High-bandwidth Digital Content Protection).Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-disconnect ang kahit anong secondary display

I-disconnect ang computer mo sa kahit anong external monitor o TV at subukang i-play ulit ang TV show o pelikula. Kung malulutas nito ang isyu mo, malamang na hindi supported ng external monitor o TV mo ang HDCP copy protection.

Ano'ng susunod kong gagawin?

Kung hindi naayos ang problema pagkatapos i-disconnect ang monitor mo, o kung hindi ka gumagamit ng external monitor, makipag-ugnayan sa customer service.

Mga Kaugnay na Article