Nakakakita ako ng pula o berdeng x kapag sinusubukan kong manood ng Netflix.

Kung nakakakita ka ng pula o berdeng x kapag sinusubukan mong mag-play ng TV show o pelikula, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa hardware kung saan hindi puwedeng mag-play ng protektadong content ang device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Nvidia Shield

I-troubleshoot ang hardware connection mo

Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.

Para ayusin ang problema:

  1. Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.

  2. Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.

  3. Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.

  4. Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.

  5. Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.

  6. Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.

    • Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.

Lahat ng iba pang device

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article