Beta testing ng Netflix app sa Android

Kung interesado ka sa pag-test ng mga update sa Netflix mobile app para sa Android bago i-release ang mga ito, puwede kang sumali sa beta testing ng Netflix sa Google Play Store. Automatic na itinatala ng beta version ng Netflix app ang mga error, crash, at iba pang performance metrics.

Para makasali, kailangan mo ng:

  • Active na subscription sa Netflix.

  • Account sa Google Play Store.

  • Isang Android phone o tablet na certified ng Google Play, non-rooted, at gumagamit ng Android version 7 o mas bago.

Limitado ang beta program at napupuno kung minsan.

Ipinapakita ng beta app ang parehong mga TV show at pelikula na available sa bansa mo.

Karaniwan na, ang hitsura at paggana ng beta app ay kagaya rin ng public version.

Para umalis sa beta program:

  1. Pumunta sa testing page ng Netflix sa Play Store.

  2. I-uninstall ang beta version ng Netflix app sa device mo.

  3. I-reinstall ang public Netflix app mula sa Play Store.

Mga Kaugnay na Article