Sabi ng Netflix, 'Hindi available para mapanood sa lugar mo ang title na ito. (22004)'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Hindi available para mapanood sa lugar mo ang title na ito. (22004)

Ang ibig sabihin nito ay pumunta ka sa isang bansa kung saan hindi namin ino-offer sa ngayon ang title na na-download mo. Dahil sa mga kasunduan at karapatan sa regional licensing, hindi namin mao-offer ang pag-download ng lahat ng title sa lahat ng bansa.

Hindi mo mape-play ang title hanggang sa kumonnect ka sa internet sa isang bansa kung saan ito available. Sa maraming sitwasyon, ito ang bansa kung nasaan ka noong na-download mo ito.

Habang may ganito kang error, puwede mong i-delete ang title at mag-download ng iba o hayaang naka-store sa device mo ang download. Kapag bumalik ka sa bansa kung saan available ang title, kakailanganin mong kumonnect sa internet at buksan ang Netflix app para malaman namin ang bago mong lokasyon.

Mga Kaugnay na Article