Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi ka kwalipikado para sa offer na ito. Hindi puwedeng gamitin ang offer na ito sa paraan ng pagbabayad mo ngayon.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, hindi ka kwalipikado para sa offer na ito. Hindi puwedeng gamitin ang offer na ito sa paraan ng pagbabayad mo ngayon.

Nangangahulugan ito na dahil sa billing method mo ngayon, hindi puwedeng gamitin sa account mo ang isang promo na alok o Gift Card.

  • Kung sinisingil ka ng Apple:

    • Puwede mong gamitin ang promotion o Gift Card sa iba o bagong Netflix account, o puwede mong i-cancel ang kasalukuyan mong account, hintayin hanggang sa lubusan itong magsara sa pagtatapos ng billing cycle mo, at pagkatapos ay simulan ulit ang account gamit ang promo o Gift Card.

  • Kung may Netflix ka gamit ang isang package na may kasamang Netflix:

    • Puwede mong magamit ang promo o Gift Card na ito sa iba o bagong Netflix account.

Mga Kaugnay na Article