Netflix Error tvq-cs-102

Kung nakikita mo ang error code na tvq-cs-102, na madalas na may ganitong message:

Ginagamit na ang email address na ito.
Baka may iba ka pang account na gumagamit ng email na ito.

Ang ibig sabihin nito ay ginagamit na ang email address mo sa isang Netflix account. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Posibleng hindi mo sinasadyang magbukas ng isa pang account dahil sa maling pag-type ng email o paggamit ng ibang email address para mag-sign in.

  1. Pumunta sa netflix.com/loginhelp.

  2. Pindutin ang option na i-reset ang password mo sa pamamagitan ng Email.

  3. Ilagay ang email address mo at piliin ang I-email Ako.

    • Kung may natanggap kang email para sa pag-reset ng password, posibleng may duplicate kang account. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

    • Kung may makikita kang error na nagsasabing “Walang nakitang account para sa email address na ito,” ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

Puwede kang maglagay ng ibang email address sa kahit anong profile na may rating na Lahat ng Maturity para makatanggap ng mga personalized na rekomendasyon at iba pang komunikasyon mula sa Netflix.

Kailangan mong alisin ang email address mo sa dati nang profile bago mo ito mailagay sa ibang profile.

Para alisin ang email mo sa isang profile:

  1. Mag-sign in sa Account mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Email.

  4. I-click ang I-delete ang email address.

Kung nagawa mo na ang steps sa itaas pero hindi mo pa rin mapalitan ang email ng account mo, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong.

Mga Kaugnay na Article