Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-1001)'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Pakisubukan ulit mamaya. (-1001)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa network connectivity na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit
  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article