Netflix Error 3-5005

Kung nakikita mo ang error code na 3-5005 sa Apple TV mo, na madalas na may kasamang ganitong message:

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit mamaya o pumili ng ibang item. Pumunta sa www.netflix.com/support para sa karagdagang impormasyon.

On hold ang account mo dahil sa problema sa huli mong pagbabayad. Pumunta sa Netflix.com/payment para i-update ang paraan mo ng pagbabayad para patuloy na ma-enjoy ang Netflix.

Ibig sabihin nito, walang natanggap na bayad ang Netflix dahil sa isa sa sumusunod:

  • Hindi na valid o nag-expire na ang naka-record na paraan ng pagbabayad.

  • Hindi inaprubahan ng pinansyal na institusyon mo ang buwanang singil.

  • Sa US Lang: Hindi tumutugma ang zip code ng credit card sa Netflix account mo sa nakalista sa bangko mo.

Para ayusin ang isyu, i-update ang paraan mo ng pagbabayad sa isa sa aming mga tinatanggap na option sa pagbabayad. Kapag na-update na ang impormasyon mo sa pagbabayad, patuloy ka nang makakapag-Netflix. Kung nagkakaproblema ka sa pag-update sa impormasyon mo sa pagbabayad, baka makatulong kung makikipag-ugnayan ka sa nagbigay ng card mo para masiguradong up to date ang impormasyon ng card, o sumubok ng ibang paraan ng pagbabayad.

Automatic ding susubukan ulit ng Netflix ang pumalyang pagbabayad paminsan-minsan sa loob ng billing cycle mo para matulungan kang ma-enjoy ulit ang serbisyo.

Mga Kaugnay na Article