Naka-gray out ang Netflix app sa Apple TV ko.

Kung naka-gray out ang Netflix app sa Apple TV mo at hindi mo ito mabuksan o ma-download, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa pag-sign in sa iTunes account mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Siguraduhing naka-sign in sa iTunes ang Apple TV mo

  1. Sa Home screen, piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Accounts.

  3. Piliin ang iTunes and App Store.

  4. Piliin ang Sign In.

    • Kung wala kang nakikitang option na Sign In pero may nakikita kang Sign Out, ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

  5. Ilagay ang iTunes email at password mo at subukan ulit ang Netflix.

Ano'ng susunod kong gagawin?

Kung naka-sign in sa iTunes ang device mo pero nararanasan mo pa rin ang problemang ito, makipag-ugnayan sa Apple para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article